ABRAHAM JUBILO

From left: Rollie Mamale (RMB Digos Branch Manager), Abraham Jubilo, Patrick Bryan Maata (RMB Digos LAS)

Si Abraham “Balong” Jubilo ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Agriculture. Noong pagka-graduate niya sa edad na 21, siya ay pumasok sa isang agriculture chemical company bilang agri-technician sa loob ng 10 taon at siya ay na-promote bilang area manager sa loob ng 10 taong muli.

Sa edad na 24, si Balong ay nakipagsapalaran na pagsabayin ang pagiging empleyado at boss ng sarili niyang negosyo ang A.C.G.A Ventures na matatagpuan sa Magsaysay, Davao Del Sur. Dahil siya ay baguhan pa lang sa pagnenegosyo, hindi maiiwasan na may mga problema siyang kakaharapin tulad ng tamang sistema sa pagnenegosyo, papaano mag manage ng tao, at kakulangan sa puhunan.

Nakilala ni Balong ang Rizal MicroBank (RMB) Digos branch noong 2016, nung bisitahin siya ng Loan Account Specialist ng RMB sa kanyang tindahan. Sinubukan niya na mag-apply dito at hanggang ngayon ay valued client pa rin ng RMB Digos si Balong. Hindi na siya naghanap ng ibang bangko na tutulong sa kanyang negosyo dahil “RMB lang ang may masisipag na empleyado at may magandang serbisyo” ayon kay Balong.