From left: Toni Rose Eman (RMB Valencia Branch Manager), Steven and Emma Enterina, Samuel Villamor (RMB Valencia LAS)
Noong 1998, sinimulang pasukin ni Steven at Emma Enterina ang pagtatanim at pagbebenta ng mais o corn. Nagsimula sila sa isang maliit na lupang binili mula sa kapatid ni Emma; nang magbunga ang kanilang mga tanim, ibinenta nila ito sa mga plantang gumagawa ng corn chips at animal feeds. Tuloy-tuloy nilang ginawa ito hanggang sa naitayo na ang Enterina Commercial.
Hindi naging madali ang pagpapatakbo ng negosyo ni Steven dahil baguhan pa lamang sila noong mga panahong iyon. Bukod sa kakulangan sa kaalaman tungkol sa supply at demand ng mga mais, kulang rin sila sa kanilang puhunan. Dahil sa mga problemang ito, napilitan silang umutang sa kanilang mga kaibigan at ibang kamag-anak.
Nang kanilang napansin na palaki ng palaki ang kanilang mga utang, naghanap si Steven ng bangkong makakatulong. Noong 2017, nakilala ni Steven ang Rizal MicroBank (RMB) Valencia branch nung puntahan siya ng aming mga Loans Account Specialists (LAS). Hindi siya nagsisi sa kaniyang desisyon. Ayon kay Steven, naging maayos at maasikaso ang RMB sa kaniyang mga pangangailangan. Naging mabilis rin ang pagproseso ng kaniyang loan at dahil rito, natulungan ng RMB ang mag-asawa na bigyang solusyon ang kanilang mga kinaharap na problema.
Dahil sa pagsisikap niyang ito, ngayon ay isang kilalang supplier na ng corn si Steven sa Bukidnon, Valencia. At hanggang ngayon ay kliyente pa rin siya ng RMB Valencia.
Isa sa mga natutunan at payo ni Steven sa mga kapwa niya negosyante “Kung kulang sa kapital at para sa expansion, huwag mahiyang lumapit sa bangko. Dapat ka-partner mo talaga ang mga bangko.”
Maraming salamat Steven Enterina sa patuloy na pagtitiwala sa Rizal MicroBank!