Romeo Calo at RMB Cagayan De Oro branch
Si Romeo ay nagsimula bilang isang kargador sa Cagayan De Oro. Dahil sa kanyang pangarap na maiahon ang kanyang pamilya sa hirap, tuluyan siyang nagtrabaho hanggang nakapagtayo na siya ng maliit na pwesto sa Agora Vegetable Landing Area.
Kinalaunan, tumaas ang demand sa vegetable supplies ni Romeo at dumami ang customers nito na nanggagaling pa sa Zamboanga, Pagadian, Dipolog, Surigao at Agusan del Sur. Dahil rito, naglakas-loob si Romeo na kumuha ng loan sa RMB Cagayan De Oro branch upang mapalaki ang kanyang pwesto at madagdagan ang kanyang puhunan.
Dahil sa kaniyang di matatawarang sipag at diskarte sa pagnenegosyo, ang kanyang mga pangarap sa buhay ay unti-unti niyang nakamit. Ngayon, si Romeo ay mayroong piggery, dalawang bahay at dalawang sasakyan, at malaki ang naitulong ng RMB sa pag-abot ng kaniyang ninanais sa buhay.
“Kung hindi dahil sa Rizal MicroBank, walang bangko na tutulong sa akin”
Ngayong panahon ng pandemya, maraming mga negosyo ang lubhang naapektuhan; ngunit itinuring ito ni Romeo bilang hakbang upang matulungan niya ang mga local farmers sa kanilang lugar. Para sa kanya, panahon naman na siyang ang makatulong na maabot ng iba ang kanilang mga pangarap.